16 miyembro ng Aegis Juris Fraternity nasa lookout order

MANILA, Philippines — Naglabas ng kautusan si Justice Secretary Vitalliano Aguirre sa Bureau of Immigration na maglabas ng lookout bulletin order (LBO)  para sa 16 mi­yembro ng Aegis Juris Fraternity na responsable sa hazing ceremony na nagresulta sa pagkamatay ng law freshman student ng University of Santo Tomas (UST) na si Horacio Tomas Castillo lll noong Linggo.

Kabilang na nasa lookout list ay sina Arvin R. Balag, Mhin Wei Chan, Marc Anthony Ventura, Axel Mundo Hipe, Oliver John Audrey Onofre, Joshua Joriel Macabali, Jason Adolfo Robiños, Ralph Trangia, Ranie Rafael Santiago, Danielle Hans Mattew Rodrigo, Carl Mattew Villanueva, Aeron Salientes, Marcelino Bagtang, Zimon Padro, Jose Miguel Sa­lamat at John Paul Solano.

Bagama’t hindi ipinagbabawal ang paglabas sa bansa, iaalerto naman ng mga tauhan ng BI ang DOJ at National Bureau of Investigation (NBI) sakaling magtangka ang sinumang nasa lookout list nila na bumiyahe habang may isinasagawang imbestigasyon laban sa kanila.

Show comments