Maghimagsik kayo laban sa akin!-Digong

Mamamayan hinikayat...

MANILA, Philippines - Hinikayat kamakalawa ng gabi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga mamamayan na sumali sa pag-aaklas o himagsikan.

Ibinibigay niya umano ang kanyang “blessing” sa mga nais mag-aklas laban sa kanyang admi­nistrasyon.

“I am encouraging you to take to the streets. Everybody. Sino ‘yung may gusto ng… Ano ‘yun? Himagsikan, sige. Himagsikan is uprising. If you want that, go ahead. You have my blessing. Nobody will stop you in the streets,” ani Duterte.

Ang pahayag ay ginawa ni Duterte kamakalawa ng gabi matapos magsagawa ng rally ang ilang grupo para iprotesta ang pagkamatay ng 17-anyos na si Kian Loyd delos Santos.

“But if you take violence as your option, I said go ahead, and let us find out. Kung himagsikan lang kaya… It’s uprising. Kung gusto ninyo himagsikan, eh ‘di sige. I am urging all Filipinos who want himagsikan to take part,” sabi ni Duterte.

Pero sinabi rin ni Duterte na poprotekta­han din niya ang gobyerno pero kung makita niya na siya na lamang ang nagtatanggol sa gobyerno ay bababa siya sa puwesto.

Magpapadala pa si Duterte ng mga  sasakyan sa mga gustong sumama sa rally.

“Go ahead. Himagsikan. It is an uprising. I encourage you to do it. At lahat ng Pilipino na naniwala diyan sa kabila, then you participate in the rally. And I assure you, I will even send trucks there for your transportation. Mag-ano ako. Kung mag-request sila ng sasakyan. I will… Just tell me when, kasi ipa-par­king ko diyan sa Luneta to --- para masakyan. Where do you want to go?” ani Duterte.

Matagal na rin aniyang hinihintay ni Duterte na magkaroon ng pagbabago at isang gumaganang gobyerno.

Show comments