Intsik, tumalon sa gusali, utas

MANILA, Philippines - Lumundag sa kaniyang kamatayan ang isang tu­ristang Chinese  mula sa ika-9 palapag ng isang mataas na gusali sa Brgy. Wack-Wack, Mandaluyong City, ayon sa pulisya kahapon.

Nagkabali-bali ang mga buto ng biktimang nakilalang si Ge Zhang, 37, isang Chinese national na pansamantalang nanunuluyan sa 9th Floor ng Tower A ng BSA Twin Tower na matatagpuan sa Bank Driver, sa Barangay Wack-wack.

Lumilitaw sa imbestigasyon ng Mandaluyong City Police, na nakarating sa tanggapan ni Eastern Police District (EPD) Director P/Chief Supt. Romulo Sapitula, na dakong alas-5:35 ng madaling araw kamakalawa nang madiskubre ang pagpapakamatay ng biktima.

Nakatakda na umanong mag-check out ang biktima kaya’t pinuntahan ito sa kanyang kuwarto ng room attendant na si Josefino Martinez, ngunit hindi ito matagpuan.

Nagulat na lamang ang mga empleyado ng gusali nang mabatid na nadiskubre ng Gondola operator na si Jeffrey Runas ang bangkay ng biktima sa garden basement ng gusali. Isinasailalim pa sa imbestigasyon ang kasong ito.

 

Show comments