Mga kritiko ng Martial Law sa Mindanao pinayuhang dumulog sa SC

MANILA, Philippines - ‘Makabubuting dumulog na lamang sila sa Korte Suprema at doon kuwestiyunin ang legalidad sa pagdedeklara ni Pangulong Digong ng martial law sa Mindanao.’

Ito ang naging payo ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa mga kritiko sa deklarasyon ng martial law sa Mindanao.

Umani ng sari-sating reaksyon ang pagdedeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ng martial law kung saan  sinabi ng constitutionalist na si Christian Monsod ang nagaganap na labanan sa pagitan ng militar at Maute group sa Marawi City ay hindi maituturing na rebellion kaya’t, walang dahilan upang magdeklara ng martial law.

Ayon kay Aguirre, may hawak na report ang Pangulong Duterte na maaaring hindi alam ng mga ordinaryong tao kaya’t nagpasya itong magdeklara ng martial law.

“The President is entitled to be presumed to be regularly performing the duties of his office,” ani Aguirre.

Samantala, binigyan-diin naman ng Philippine Muslim Society, na hindi solution ang martial law sa halip ay maghihikayat pa sa mga kabataan na sumali sa terrorist groups.

Sa ilalim ng 1987 Constitution, maaaring magdeklara ng martial law ang Pangulo sa anumang panig ng bansa sa loob ng 60 araw.

Show comments