BIFF bomb expert utas sa shootout
Joy Cantos, Rhoderick Beñez (Pang-masa) - May 22, 2017 - 4:00pm

MANILA, Philippines - Isang notor­yus  na bomb expert ng Bangsa­moro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang napatay nang mauwi sa engkuwentro ang pagsisilbi ng warrant of arrest ng mga pinagsanib na elemento ng pulisya at militar sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao kahapon ng mada­ling araw.

Ang nasawing suspek ay kinilalang si Muhammad Ali alyas Comman­der Abu Mohammad.

Batay sa ulat, bago nangyari ang shootout, bandang ala-1:30 ng madaling araw ay isinisilbi ng mga otoridad ang search warrant laban kay Ali sa pinagtataguan nito sa Brgy. Capiton, Datu Odin Sinsuat ng lalawigan.

Subalit, nanlaban ang suspek nang pinaputukan ang mga elemento ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ARMM, Regional Intelligence Division (RID) ARMM, 603rd Brigade ng Philippine Army  at 9th Infantry Battalion (IB).

Gumanti ng putok ang mga otoridad na tumagal ng ilang minuto na barilan agad ikinasawi ng suspek.

Nabatid na si Ali ay mi­yembro ng BIFF na dati ring estudyante ni BIFF bomb expert Abdul Basit Usman  na napaslang sa Oplan Exodus  sa Mamasapano, Maguindanao noong 2015.

Nakumpiska sa raid ang isang  60 MM mortar, Ingram machine pistol, isang granada, mortar at mga sangkap sa paggawa ng bomba.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with