NGCP tower pinasabugan

MANILA, Philippines - Isa na namang transmission line ng National Grid Corporation of the Philippines na matatagpuan sa Purok 4, Brgy. Pagangan 2, Aleosan, North Cotabato ang mu­ling pinasabugan ng mga hindi pa nakilalang mga suspek kamakalawa ng gabi.

Ayon kay P/Sr. Insp. Edwin Abantes, hepe ng Aleosan-PNP naputol ang apat na kolum na kumukunekta sa pinakahaligi ng tore.

Nabatid na pina­sabugan ng improvised explosive device (IED) na ginamitan ng firing wire na battery operated bilang triggering device ang tower 68 ng NGCP.

Hinala ng pulisya na kagagawan umano ng mga lawless group na palaging namamataan sa paligid ng tower ang nagpasabog.

Nabatid na ang nasabing tore ay dati na ring pinasabugan at bumagsak noong December 10, 2015.

 

Show comments