^

Police Metro

Sisilbihan ng warrant pumalag todas

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bulagta ang isang lalaking wanted makaraang  manlaban sa mga umaarestong mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) habang isinisilbi sa kanilang magkapatid ang isang warrant of arrest sa kasong physical injuries sa Brgy. Pasong Tamo, sa lungsod, kamakalawa. Sa ulat kay QCPD Director P/Chief Supt. Guillermo Eleazar, ang nasawi ay nakilalang si Vivencio Serabia, residente sa Sto. Niño St., Burauen Leyte. Habang nakatakas naman ang kapatid nitong si Marlon Serabia. Base sa imbestigasyon, nangyari ang insidente sa may Ilang-Ilang St., Pingkian 2, Zone 2, Brgy. Pasong Tamo, QC, dakong alas 6:20 ng gabi. Bago ang insidente,  sa pangunguna ni P/Supt. Alex Alberto at District Special Operation Unit (DSOU) ng QCPD nagsagawa ng operasyon ang mga ito laban sa mga suspek bitbit ang isang mandamyento de aresto na ipinalabas ni Judge Jate Abergos, presiding judge ng MTC branch 32, QC, sa kasong physical injuries.

Subalit, pagdating ng mga operatiba sa nasabing lugar biglang pinaputukan ng mga suspek ang mga una dahilan para mauwi sa palitan  ng putok hanggang sa tamaan si Vivencio at bumulagta. Agad namang tumakas si Marlon ng makita ang pagbagsak ni Vivencio. Siya ngayon ay pinaghahanap ng batas.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime  Operatives (SOCO) sa crime scene narekober ang isang kalibre .9mm na baril, pitong basyo ng bala, isang kalibre. 22 rifle air gun, isang basyo ng kalibre .45, isang basyo ng kalibre 5.56.

WARRANT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with