Rody kay Leni... “apurado ka masyado maging presidente”

MANILA, Philippines - “Ang mga kalaban ko, si Leni apurado masyadong maging presidente…, tapos ito sila, si Trillanes is a barking dog”.

Ito ang ginawang pambubuko ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Filipino community sa Nay Pi Taw, Myanmar tungkol kay  Vice-President Leni Robredo na nagmamadaling maupo bilang pangulo ng bansa.

Naunang sinabi ni Duterte na hindi siya magugulat kung kasangkot si Robredo sa pagsasampa ng impeachment complaint laban sa kanya na pina­ngunahan ni Magdalo Rep. Gary Alejano sa Kamara.

Una nang inihayag ni Pangulong Duterte sa Davao City International Airport bago umalis patungong Myanmar na wala siyang pakialam sa buhay ni Robredo at umaasa na hindi rin pakikialaman ng Bise Presidente ang kanyang buhay.

Itinanggi rin ni Pa­ngulong Duterte na siya ang nasa likod ng planong pagsasampa ng impeachment case laban dito.

Ang tanging pinagtutuunan niya ngayon ay tuparin ang lahat ng ipinangako niya sa taumbayan dahil tapos na siya sa politika.

Show comments