Salvage isinako, itinapon sa kalsada

MANILA, Philippines – Pinaniniwalaang biktima ng salvage ang natagpuang bangkay ng isang lalaki na nakalagay sa sako at naaagnas na sa tabi ng kalsada ng Purok 3, Brgy.Kabuluan, Sta. Elena, Camarines Norte, kamakalawa.

May busal ang bibig, nakatali ang paa at nababalutan ng packaging tape ang ulo ng biktima na inilarawan na may tattoo sa balikat na “Guardian Tulig GRll Magic Group” na tinatayang nasa edad na 40 hanggang 45.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis sa pagkakakilanlan sa biktima at motibo nang pagpatay dito.

Show comments