Binata nag- bomb joke dinakip
THE EAR - Joy Cantos (Pang-masa) - January 18, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines - Isang 25-anyos na binata ang inaresto ng mga otoridad matapos nitong magbiro na may dala siyang limang kilong bomba na sasabog na umano sa Cebu South Bus terminal sa kahabaan ng N. Bacalso Avenue, Cebu City kahapon ng umaga.

Kinilala ang nasakoteng suspek na Joel Guillena, residente ng Miputak, Dipolog City   na isang lokal na turista sa lugar.

Kasalukuyang sumasailalim sa security check sa nasabing bus terminal ang suspek nang magbiro ito na ikinalikha ng matin­ding pagkatakot  sa mga pasahero sa nasabing terminal.

Sa ilalim ng batas sinumang lumabag sa Presidential Decree 1727 o masangkot sa bomb joke o maling impormasyon sa bomba o anumang uri ng eksplosibo ay may katapat na kaparusahan ng batas.

BINATA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with