1,000 contractual sa BI masisibak

MANILA, Philippines – Nasa mahigit 1,000 contractual at job order empleyado ng Bureau of Immigration (BI) ang posibleng mawalan ng trabaho matapos na i-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paggamit ng express lane na kinokolekta ng ahensya para magpasuweldo sa mga ito.

Ito ang inhayag ng mga opisyal ng Immigration Officers’ Association of the Philippines (IOAP) kung kaya’t umaapela ito sa administrasyong Duterte at sa Department of Budget and Management (DBM) na pag-aralang mabuti ang magiging epekto nito sa buong bansa.

Anila, hindi malayong maparalisa ang operasyon ng mga international airports, subports, field offices at sa main office nito sa Intramuros, Maynila dahilan sa kabuuang bilang ng mga empleyado ng ahensya ay nasa 4,000 at nasa mahigit 1,000 dito ay pawang mga contractual, casual at job order workers.

Idinagdag pa na may kakulangan pa ang BI nang mahigit sa 2,000 empleyado kung kaya’t kung hindi na mare-renew ang kontrata ng mga contractual, JOs at casual ay siguradong magkukulang umano ang mga magbabantay sa mga paliparan at pantalan.

Show comments