5 bus sinunog ng mga nagwewelgang kawani

Sa ulat ni Batangas Police Acting Provincial Director P/Sr. Supt. Leopoldo Cabanag, dakong alas-7:00 ng gabi nang sunugin ng mga nagwewelgang empleyado ang limang unit ng DLTB Bus na ang halaga ay umaabot sa P 30-M.
Photo by EDD GUMBAN

MANILA, Philippines – Limang unit ng DLTB bus ang sinunog ng mga nagwewelgang emple­yado sa terminal nito sa Brgy. Malinis, Lemery, Batangas kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni Batangas Police Acting Provincial Director P/Sr. Supt. Leopoldo Cabanag, dakong alas-7:00 ng gabi nang sunugin ng mga nagwewelgang empleyado ang limang unit ng DLTB Bus na ang halaga ay umaabot sa P 30-M.

Sa imbestigasyon, dakong alas- 2:00 pa lamang ng umaga ay naglunsad na ng mass rally  bilang pakikiisa ng ‘nationwide: tigil pasada’ ang mga empleyado ng  nasabing bus company.

Nagdaos ng welga ang mga empleyado at nag-demand na itaas ang kanilang suweldo kapantay ng mga empleyado ng DLTB sa Manila dahilan sa mababa umano ang provincial rate.

Sa pahayag ng mga pasahero, bago ang sunog ay ilang pagsabog ang kanilang narinig mula sa nasabing terminal at kasunod nito ay nilamon ng apoy ang naturang mga bus na sinabotahe ng mga nagwe-welgang empleyado.

Nagresponde naman ang mga bumbero at naa­pula ang sunog bandang alas-7:44 ng gabi habang lima sa mga nanunog na empleyado ng DLTB ang inaresto ng pulisya na kinilalang sina Albert San Presentacion Gabriel, Lloyd Nicolas Ocares, Wilmar Caro, Arvin Soliven; Joselito Guevarra; at Ernesto Villanueva Jr., na kinasuhan ng kriminal.

Show comments