2 sundalo patay, 2 sugatan sa ambush

MANILA, Philippines - Namatay ang dalawang sundalo kabilang ang isang junior Army officer habang dalawa nilang kasama ang  nasugatan nang pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang suspek na hinihinalang mga rebeldeng Muslim kamakalawa sa Zamboanga del Sur.

Ang dalawang nasawi ay tinukoy na si 2nd Lieutenant Cartagena at isa pang personnel. Habang isinugod sa pagamutan  ang dalawa pang nasugatang sundalo.

Batay sa ulat na nakarating kay Lt. Col. Benedicto Manquiquis, Chief ng Public Affairs Office  ng Army’s 1st Infantry Division (ID) bago naganap ang pag-ambush dakong alas-8:28 ng umaga ay binabaybay ng mga sundalo ng Army’s 53rd Infantry Battalion (IB)  ang kalsada ng Brgy. Guinicolalay, Dinas, para magtungo sa Ba­yanihan team na magsasagawa ng aktibidad sa komunidad nang pagbabarilin sila ng mga Muslim rebels.

Kinondena naman ng opisyal ang insidente dahilan sa aktibo ang kanilang tropa sa civic mission project sa komunidad.

Show comments