3 killer ng tserman utas sa shootout
Joy Cantos, Rhoderick Beñez (Pang-masa) - September 16, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines - Tatlong katao na umano ay pangunahing pumatay sa isang barangay chairman ang napatay ng mga otoridad nang manlaban umano ang mga ito sa Brgy. Lanote, Isabela City, Basilan kamakalawa.

Ang mga nasawing suspek ay kinilalang sina Daud Anjawani, anak nitong si Jerome at isang alyas Marcos.

Nabatid na aarestuhin ng mga pulis dakong alas-2:30 ng hapon ang  mga suspek, subalit nanlaban ang mga ito.

Ang tatlo ay itinuturong kabilang sa limang armadong kalalakihan na responsable sa pamamaril at pagkakapatay sa biktimang si Omar Asahad, Brgy. Chairman sa Mebak sa bayan ng Sumisip na nangyari matapos itong dumalo sa pagdarasal sa Eid’l Adha noong Lunes.

Kasalukuyang pauwi na sa kanilang bahay ang biktima nang harangin at pagbabarilin ng mga armadong salarin.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with