5 drug pushers patay sa shootout

MANILA, Philippines - Tatlong pinaghihinalaang notoryus na mga drug pushers ang napaslang matapos na mauwi sa shoout ang buy bust operations sa magkakahiwalay na lugar sa Metro Manila at Bataan kamakalawa ng gabi.

Sa Marikina City, nasawi ang hinihinalang tulak ng droga na si Lourd Gadian matapos na manlaban sa pulisya sa buy bust operation sa Brgy. Tumana ng lungsod bandang alas-6 ng gabi.

Nakuha sa tabi ng suspek ang isang kalibre 38 baril, limang plastic sachet na naglalaman ng droga at iba pang drug paraphernalia.

Samantalang napatay din sa barilan ang dalawang tulak na sina Renato Badando at isang alyas Panget matapos paputukan ang mga operatiba sa buy bust operation sa Sta. Mesa, Maynila kahapon bandang alas-2 ng madaling araw.

Nakarekober ng 18 nasa plastic sachet na hinihinalang shabu; isang kalibre 45 baril; isang kalibre 38 pistola at P500.00 marked money na ginamit sa pambili ng droga.

Samantala, sa buy bust operation naman  dakong alas-7:30 ng gabi sa Mariveles, Bataan nitong Miyerkules ng gabi ay dalawa ring drug pusher na nakipagbarilan sa mga operatiba ang napaslang at kasalukuyan pang inaalam ang pagkakakilanlan. Arestado naman sa operasyon ang isang nagngangalang Bulawan Abubakar, taga Quiapo na hindi na nakapalag matapos na makorner ng mga operatiba ng pulisya.

Show comments