3 Taiwanese drug lord tiklo sa P1.7-B shabu
Joy Cantos at Lordeth Bonilla (Pang-masa) - July 7, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines – Tatlong pinaghihinalaang drug lord na Taiwanese nationals ang nasakote ng mga elemento ng pulisya at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kasunod ng pagkakasamsam ng P1.7-B shabu sa isinagawang magkakahiwalay na operasyon sa lungsod ng Las Piñas at Parañaque.

Sa ulat, sinabi ni PDEA Spokesperson Glen Mapalad, kinilala ang mga nasakoteng suspect na sina Shih Ming Tsai, Kuo Chuan Cheng at Lin Chun Ming alyas Alen Cheng.

Sinabi ni Mapalad na unang nasakote si Lin bandang alas-6:15 ng gabi matapos na salaka­yin ng mga operatiba ang storage facility ng isang bahay sa Arsenio E­xecutive Village sa Parañaque City.Nasamsam ang bulto ng droga sa lugar na nasa 49 kilo at mga kemikal na nasa P1.2-B halaga.

Bandang alas-6:30 naman ng gabi nang sumunod na mabitag sina Shih at Kuo sa raid sa no. 21 Philamlife Village, Brgy. Pamplona Dos, Las Piñas City. Ang mga ito ay nakumpiskahan ng 100 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P500-M. 

Nabatid sa opisyal na nadiskubre ang clandestine shabu laboratory sa loob ng tinitirhan nina Shih at Kuo gayundin ang mga kagamitan sa paggawa ng illegal na droga.

Inihayag ng opisyal na ang operasyon ay kanilang isinagawa sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Fernando Sagun ng Quezon City Regional Trial Court.  Sa tala, mahigit 30 drug pushers ang napatay simula ng manumpa sa posisyon si Pangulong Rodrigo Duterte noong Hunyo 30 bilang ika- 16 lider ng bansa.

 

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with