’Dapat siya daw ang mauna sa Australyana... Duterte binatikos sa ‘rape joke’

MANILA, Philippines – Binatikos ng netizens si presidential candidate Davao City Mayor Rodrigo Duterte dahil sa ginawa nitong katatawanan ang isang babaeng Australian national na biktima ng rape nang sabihin nitong siya dapat ang mauna.

Sa isang video na na-upload sa YouTube noong Abril 16 ay sinabi ni Duterte: “Ni-rape nila lahat ng babae...So ang unang casualty, ang isa dun yung lay minister na Australyana. Tsk, problema ito. Australyana eh! 

“Pag labas, binalot. Tiningnan ko yung mukha. P****a, parang artista sa Amerika na maganda. P****a, sa­yang ito!

“Ang pumasok sa isip ko...ni rape nila! Pinag pilahan nila! P****a ‘yan, nagalit na ako. Kasi ni rape? Ah, oo. Isa na rin yun.

“Napakaganda, dapat mayor muna ang mauna,” wika ni  Duterte sa mga tao na natawa sa  sinabi nito.

Ayon sa mga netizens na napakasensitibo ang isyu ng panggagahasa at ito ay hindi isang katatawanan

“My God! Walang respeto sa ating mga babae,” sabi naman ng isa pang komentarista.

Binatikos din ang alkalde sa pakikipagharutan sa mga babae sa harapan ng publiko at hinahalikan pa ang mga ito sa mga okasyon.

Show comments