Obrero natabunan ng lupa
MANILA, Philippines – Patay na nang maiahon ang obrero na si Ernesto Espaldon matapos na matabunan ng gumuhong lupa sa isang ginagawang bodega kahapon ng hapon sa Marikina City.
Ayon sa Marikina City Disaster Risk Reduction Office (MCDRRMO) na apat na oras bago nila nakuha ang katawan ni Espaldon gamit ang backhoe.
Batay sa ulat, dakong ala-1:00 ng hapon nang matabunan ng lupa ang biktima sa hinuhukay na lote sa Paraluman St. kanto ng Paraiso St., Barangay Parang nang nasabing lungsod.
Nabatid na inuumpisahan palang na maghukay sa lugar dahil sa itatayong bodega nang maganap ang aksidente.
- Latest