Nakikipagtalo sa mister na nagmamaneho... Misis nag-suicide sa jeep
Joy Cantos (Pang-masa) - February 2, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines –  Sa mismong pampasaherong jeep na minamaneho ng kanyang mister nagpakamatay ang isang misis sa pamamagitan nang pagtalon habang mabilis na tumatakbo sa national highway sa Pudtol, Apayao kamakalawa makaraan ang mainitang pagtatalo.

Ang biktima ay kinilalang si Glecy Balaweg, empleyado ng lokal na pamahalaan ng Pudtol, Apayao na idineklarang dead on arrival sa Amma Jadsac District Hospital sanhi ng matinding pagdurugo ng ulo, pagkasugat ng paa, kamay at katawan sa insidente.

Sa ulat ng tanggapan ni Cordillera Police Director P/Chief Supt. Robert Quenery, bago nangyari ang insidente dakong alas-8:30 ng umaga ay sakay ang ginang sa pampasaherong jeep  na minamaneho ng kaniyang mister na si Freddie Balaweg, 34 na kung saan ay nagkakaroon ang mga ito nang mainitang pagtatalo.

Pinatunayan din ng mga pasahero sa pu­lisya ang pangyayari na kung saan ay galit na galit umano ang biktima sa kaniyang mister na pinagmumura nito.

Inutusan ng ginang ang mister na ihinto ang jeep na hindi naman pinapansin ng huli at tulu­y-tuloy sa mabilis na pagmamaneho.

Dahil dito ay tumayo ang ginang sa hulihan ng jeepney na tinangka pang pigilan ng ilan sa mga pasahero, pero hindi ito nakinig at bigla na lamang tumalon na  matulin ang takbo.

Una ang ulo ng ginang na bumagsak sa espaltadong semento at ilang beses rin gumulong sa kalye.

Ayaw naman magsalita ng mister kung ano ang dahilan ng pagtatalo nila ng kanyang misis at bakit naisipan nitong magpakamatay.

ACIRC AMMA JADSAC DISTRICT HOSPITAL ANG APAYAO AYAW CHIEF SUPT CORDILLERA POLICE DIRECTOR P FREDDIE BALAWEG GLECY BALAWEG PUDTOL ROBERT QUENERY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with