Sanggol napisak ng van

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 1-anyos na batang lalaki nang ito ay makaladkad ng van kamakalawa sa kahabaan ng Brgy. Road, Brgy. Darawey, Bayambang, Pangasinan.

Ang biktima ay kinilalang si John Carlo Cayabyab na nagtamo ng   malulubhang sugat sa katawan.

Batay sa ulat, bago nangyari ang insidente dakong alas-6:00 ng gabi ay kasalukuyang naglalaro ang bata sa tabi ng highway nang gumapang ito at umakyat sa bumper ng nakaparadang van na nakarehistro kay Alma Manrobang at minamaneho ni Butch Briones, 33.

Biglang pinaandar at pinaharurot ng driver ang sasakyan bunsod upang makaladkad ang biktima na sumabit ang damit sa bumper ng sasakyan.

Kinasuhan ang driver ng kasong reckless imprudence resulting to homicide.

Show comments