^

Police Metro

Kuya dedbol kay utol

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Dahil lang sa pag-aagawan ng magkapatid para maging helper ng kanilang ama na isang truck driver ay nauwi ito sa bangayan at saksakan naganap kahapon ng madaling araw sa Tondo, Maynila.

Idineklarang dead on arrival sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC), ang biktimang si John Michael Valencia, 20 ng BS 45, C-2 Road,Capulong ng nasabing lugar.Ang suspek na kapatid nito na si Jojo Valencia, 17 ay tumakas.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-3:40 ng madaling araw sa loob ng bahay ng pamilya Valencia ay nagtatalo ang magkapatid hinggil sa kung sino ang sasama sa kanilang ama sa biyahe ng truck.

Naging mainitan ang pagtatalo dahil ang suspek ang laging sumasama sa ama sa biyahe na ayaw naman pumayag ng biktima hanggang sa kumuha ng patalim ang una at sinaksak ang huli.

AMA

ANG

BATAY

CAPULONG

DAHIL

GAT ANDRES BONIFACIO MEMORIAL MEDICAL CENTER

IDINEKLARANG

JOHN MICHAEL VALENCIA

JOJO VALENCIA

MAYNILA

VALENCIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with