Killer ng tserman nadakip

MANILA, Philippines – Bumagsak sa kamay ng pulisya ang isang suspek na lider na “Lupin gang” at itinuturing na no. 2 most wanted kaugnay sa pagpatay sa dating barangay chairman noong taong 2009 matapos na ito ay matiyempuhan ng mga operatiba ng Manila Police District-District Police Intelligence Operation Unit (DPIOU) habang nakatambay sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Ang naarestong suspek ay kinilalang si Bernie Ladia, na isang wanted kaugnay sa serye ng holdapan, may kaso ring murder sa pamamaslang kay dating Barangay Chairman Pepe Jornales ng Brgy.109 , Zone 9  noong Dis 29, 2009.

Sa ulat ni P/Chief Inspector  Roberto A. Mupas, hindi na nila pinalagpas ang pagkakataon kahit 30 minuto na lamang ay ika-25 na ng Disyembre o Araw ng Pasko nang mamataan si Ladia sa Ugbo St., Tondo, at  isinilbi ang warrant of arrest na inisyu ni Judge Aida Rangel Roque, ng Regional Trial Court, Branch 25 sa mga kasong   murder, robbery  with attempted homicide at nadakip ang suspek.

Show comments