Walang pamilya sa araw ng Pasko... Tinedyer nag-selfie bago nagbigti

Nakita ng mga otoridad sa cellphone ng biktima ang mga selfie pictures nito at video na kuha bago magpakamatay na ang background ay ang lubid na ginamit at video ng pamamaalam. File photo

MANILA, Philippines – Posibleng matin­ding depresyon dahil walang makakasamang pamilya ngayong araw ng Pasko kaya’t nagawa ng ulilang binatilyo na si Jerry Mantac na mag-selfie muna bago nagbigti sa loob ng bodega sa Brgy. Loctugan, Roxas City.

Ayon sa pamilya Baltero na tinitirhan ni Jerry na dakong alas-7:00 ng umaga nang tumambad ang nakabigting katawan ng biktima sa loob ng bodega.

Wala naman aniya silang napansin na kakaiba sa kilos nito o nalalaman na problema na dinadala bago nagpakamatay.

Nakita  ng mga otoridad sa cellphone ng biktima ang mga selfie pictures nito at video na kuha bago magpakamatay na ang background ay ang lubid na ginamit at video ng pamamaalam.

Idinagdag pa ng pamilya Baltero na ulilang lubos na si Jerry at i­nampon nila ito at pinag-aral dahil sa kanilang awa.

Show comments