Sekyu hindi tinirhan ng buhay

MANILA, Philippines – Siniguradong hindi na mabubuhay pa ang isang 47-anyos na security guard dahil matapos barilin ng tatlong beses habang nakatalikod ay nilapitan pa ito at sinaksak ng 2 beses sa dibdib habang naghahapunan sa tabi ng pampang sa Baseco compound, Port Area, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Ang nasawi ay kinilalang si Abraham Ampatuan, may-asawa at residente ng Block 22, Lot 3, Baseco Compound.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-8:30 ng gabi sa seawall na sakop ng Block 9, Baseco nang makarinig ang mga residente ng magkasunod na putok ng baril.

Tinungo ng mga residente ang pinanggalingan ng putok at dito ay nakita ang biktima na duguang nakahandusay.

Wala pang nakuhang impormasyon ang pulisya sa pagkilanlan ng salarin at motibo sa krimen.

Show comments