15 katao tiklo sa drug bust

Pitong drug pusher kabilang ang no.6 most wanted na si Va­lentino Bernardo (nasa larawan) ang naaresto sa isinagawang drug raid ng mga QCPD operatives sa kahabaan ng Maunlad kanto ng Mapagbigay St., Brgy.Pinyahan, QC. Bening Batuigas

MANILA, Philippines – Labingtatlong katao ang naaresto ng mga otoridad sa magkahiwalay na drug raid sa Quezon City at Tacloban City.

Sa Quezon City, naaresto ang mga suspek na sina Florentino Bernardino, alyas Tino, 43; Gerardo Umali, 45; Alfredo Rodriguez, 51; Jonjon Buenaventura, 40; Marlon Moreno, 36; at Mary Rose Maquinad, 27.

Si Bernardino ay most wanted drug personality sa lungsod. Habang ang lima ay naaresto habang nagsasagawa ng pot session sa isang bahay sa Brgy. Pinyahan.

Sa Tacloban City, ay nadakip naman ang walong katao kabilang ang isang dating pulis sa isang drug raid kamakalawa sa isang subdivision.

Kinilala ang mga suspek na sina ex-PO2 Frede­rick Loi Ladera, 34; Paul Labarda, 48; Richard Montalla, 31; Barry Daa, 39; Realyn Corre, 28;Danica Mangrobang, 32; at Juldon Reyes, 36.

Narekober mula sa mga suspek ang mga pirasong plastic sachet ng shabu na tinatayang may timbang na 73 grams at halaga na P600,000, mga drug paraphernalias at ang ginamit na buy-bust money sa operasyon.

Show comments