Vice mayoralty bet grabe sa ambush

MANILA, Philippines – Nakikipaglaban kay kamatayan ang 45-anyos na vice mayoralty bet sa Isabela, Basilan matapos itong pagbabarilin ng hindi kilalang kalalakihan sa Zamboanga City, Zamboanga del Sur kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ni P/Chief Insp. Joel Tuttuh na isinumite sa Camp Crame, nagtamo ng dalawang tama ng bala sa likurang bahagi ng katawan ang biktimang si Sihon Indanan,  dating municipal councilor ng Isabela.

Sa inisyal na ulat, naganap ang insidente sa kahabaan ng Father Salvador Street sa Sta Maria malapit sa Gov. Camins bandang alas-12:20 ng madaling araw.

Nabatid na nagmomotorsiklo ang biktima nang harangin at pagbabarilin ng mga di-kilalang kalalakihan.

Narekober sa crime scene ang tatlong basyo ng bala ang cal. 45 pistol at backpack ng biktima.

 

Show comments