Mahigpit na manager dinedo ng sekyu

MANILA, Philippines – Isang 45-anyos na manager ng isang furniture shop ang pinatay ng kanilang security guard dahil sa pagi­ging strikto ng pagpapatupad ng mga polisiya sa trabaho na naganap kahapon sa Barangay Kauswagan, Cagayan de Oro City.

Ang biktima ay kinilalang si Luwalhati Yap, tubong Cebu at kasalukuyang naninirahan sa Dumaguete City.

Ang suspek ay kinilalang si Grover Mark Gomez, security guard ng Cherubim Security Agency na mabilis na tumakas matapos gawin ang pagpatay sa biktima.

Sa imbestigasyon ng pulisya bago natagpuang patay ang biktima na sinaksak sa likod at hinampas ng matigas na bagay ang ulo ay nakatalo nito ang  suspek dahil sa lagi itong nahuhuling natutulog sa trabaho.

Nabatid na si Yap ay halos isang taon nang manager ng Giardini Del Sole Furniture Shop habang ang suspek ay mag-iisang linggo pa lamang nagdu-duty.

Show comments