PNP chief pinakikilos sa illegal gambling
(Pang-masa) - November 11, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines - Muling nanawagan ang Kilusan Kontra Kabulukan at Katiwalian (4K) kay Philippine National Police chief Director General Ricardo Marquez na totohanin ang kampanya laban sa illegal gambling partikular sa mga lungsod ng Caloocan at Malabon sa Camanava area.

Ayon kay 4K secretary general Rodel Pineda, pakitang tao lamang ang ginawa ng pulisya sa pagbulabog sa video karera machines at saklaan lalo sa lungsod ng Caloocan dahil namamayagpag ang mas malalang jueteng na may tatlong bola kada araw

Nabatid na noong nakaraang linggo, pinaigting ng bagong Intelligence Unit chief ng Caloocan Police  na si Chief Insp. Alfredo Lim ang operasyon laban video karera machines at saklaan, pero “pagpakilala” lamang ito.

Sinabi pa ni Pineda na ikinakatwiran  pa umano ng mga kamag-anak ng mataas na opisyal ng lungsod ng Caloocan na para sa umano campaign fund ng tumatakbong presidente ang intelihensiya sa jueteng.

“Kaya dapat nang kumilos si Marquez at maging si DILG secretary (Sennen) Sarmiento para matigil na ang lantarang illegal gambling sa buong Camanava.” wika ni Pineda.

ALFREDO LIM ANG CALOOCAN CALOOCAN POLICE CAMANAVA CHIEF INSP DIRECTOR GENERAL RICARDO MARQUEZ INTELLIGENCE UNIT KILUSAN KONTRA KABULUKAN PHILIPPINE NATIONAL POLICE PINEDA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with