Parak ‘pinakain’ ng bala

MANILA, Philippines - Mistulang pinakain ng mga bala ang isang pulis nang ito ay pagbabarilin habang kumakain sa isang restoran kamakalawa ng gabi sa Barangay Diversion, San Leonardo, Nueva Ecija. 

Ang nasawi ay kinilalang si SPO2 Manuel Pangilinan, 45-anyos, biyudo ng Barangay Mambangnan, San Leonardo, Nueva Ecija at nakatalaga sa General Tinio Municipal Police station.

Sa ulat, bandang alas-7:10 ng gabi habang kumakain ang biktima kasama ang tatlong kaibigan sa  isang restoran nang lapitan ito ng isang lalaki at walang kaabog-abog na pinagbabaril ito at hindi na ginalaw ang tatlong kasama.

Matapos ang ginawang pamamaril ay tumakas ang suspek at sumakay sa nag-aabang na motorsiklong Suzuki Raider.

 

Show comments