High school principal, itinumba

(Pang-masa) - November 8, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines - Pinabulagta ang 41-anyos na high school principal matapos itong pagbabarilin ng hindi kilalang suspek sa Barangay San Raymundo, bayan ng Jolo, Sulu, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni Joint Task Group Sulu Commander Brig. Gen. Alan Arrojado, nakilala ang biktima na si Edwin Saraji, binata, OIC principal sa Luuk National High School at nakatira sa Barangay Kakuyagan. 

Ayon kay Arrojado, naganap ang pamamaril bandang alas-7:30 ng gabi sa Barangay San Raymundo sa nasabing bayan.

Sinabi ni Arrojado na nagtamo ng multiple gunshot wounds sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nag­lalakad ang biktima nang harangin at pagbabarilin habang patuloy naman ang pagsisiyasat ng pulisya.

 

ACIRC ALAN ARROJADO ANG ARROJADO AYON BARANGAY KAKUYAGAN BARANGAY SAN RAYMUNDO EDWIN SARAJI JOINT TASK GROUP SULU COMMANDER BRIG JOLO LUUK NATIONAL HIGH SCHOOL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with