Sanggol napainom ng silver cleaner, dedo
Angie dela Cruz, (Pang-masa) - October 24, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines - Patay ang isang taong gulang na babae habang kritikal naman ang nakatatandang kapatid matapos painumin ng silver cleaning solution ng kanilang ina na napagkamalang tubig kamakalawa sa Muntinlupa City.

Idineklarang patay sa Muntinlupa Medical Center ang biktimang si Maryland Dio habang nakikipaglaban naman kay kamatayan ang kapatid nitong si Riyanna Dio, 3, mga nakatira sa Esporlas Itaas Street, Barangay Putatan sa nasabing lungsod.

Sa police report na isinumite kay P/Senior Supt. Allan Nobleza, hepe ng Muntinlupa City PNP, naganap ang insidente bandang alas-10 ng umaga.

Nabatid na bumili ng silver cleaning solution ang tatay na si Reyland Dio kung saan inilagay ito sa bote ng softdrinks kung saan naisama naman nito sa bitbit na groce­ries item saka sandaling iniwan sa sahig at lumabas ng bahay.

Subalit pagbalik ng tatay ay nakita na nitong nagsusuka na ang kanyang mga anak.

Dito nalaman na kumain ng rambutan ang mga biktima at sa pag-aakala ng ina na si Maris Arizo ay nabulunan ang mga ito kaya ibinigay nito ang bote ng softdrinks na may silver cleaning solution  sa pag-aakalang naglalaman ng tubig.

Halos mataranta ang mag--asawa saka isinugod sa nasabing ospital ang dalawang anak subalit hindi na umabot ng buhay si Maryland.

Inihahanda na pulisya ang kasong parricide laban sa ina ng mga bata na si Arizo.

ALLAN NOBLEZA ANG BARANGAY PUTATAN ESPORLAS ITAAS STREET MARIS ARIZO MARYLAND DIO MUNTINLUPA CITY MUNTINLUPA MEDICAL CENTER REYLAND DIO RIYANNA DIO SENIOR SUPT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with