Kagawad tinadtad ng bala

MANILA, Philippines – Namatay noon din ang isang barangay kagawad nang ito ay pagbabarilin ng hindi pa nakilalang suspek kahapon ng umaga sa Brgy. Camuta, Antipas, North Cotabato.

Ang nasawi ay kinilalang si Brgy. Kagawad Arnold Delgado Bazar, 42, may-asawa at residente ng nasabing lugar.

Batay sa ulat, dakong alas-7:00 ng umaga ay  nasa labas ng bahay ang biktima at nagpapakain ng kanyang panabong na manok nang sumulpot ang isang lalaki at agad na ito ay  pagbabarilin hanggang sa namatay.

Habang nasugatan naman sina Richard Suarez Timbang Jr.,12; Ronald Teodoro, 30, nang tamaan ng ligaw na bala.

Mabilis namang isinugod sa Antipas Medical Hospital ang mga ito.

Show comments