2 Chinese diplomat utas sa resto

MANILA, Philippines - Dalawang Chinese diplomats ang nasawi habang isa ang malubhang nasugatan matapos na sila ay pagbabarilin ng isang mag-asawa na kanilang kababayan sa loob ng isang restaurant kahapon sa Cebu City.

Kinilala ang mga nasawi na sina Hui Li, deputy consul at Sun Shan, finance officer ng Chinese consulate sa lalawigan ng Cebu.Habang nasugatan si Chinese Consul Ge­neral Song­rong Hua.

Arestado naman ng mga nagrespondeng o­peratiba ng pulisya ang mag-asawang Chinese na sina Li Qing Liang, 60 at Gou Jing, 57.

Batay sa ulat, dakong ala-1:30 ng hapon ay pumasok ang tatlong biktima sa Lighthouse Restaurant na matatagpuan sa kahabaan ng Gen. Maxilom Avenue, Brgy. Carreta ng lungsod para mananghalian.

Habang nananghalian ay dumating ang mag-asawang suspek at ayon sa kwento ng mga testigo ay nagkaroon ng sagutan sa pagitan ng mga Chinese nang biglang mamaril si Li gamit ang semi-automatic .45 Colt pistol.

Si Li ay consul din sa Chinese consulate office at hindi pa masiguro ng otoridad kung may dalang tig-isang baril ang mag-asawa o hinawakan ng misis ni Li ang baril.

Ang mag-asawang suspek ay agad na nadakip.- Joy Cantos-

 

Show comments