2-anyos nalunod sa hukay ng ulingan
Joy Cantos (Pang-masa) - October 20, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines - Nalunod ang isang 2-anyos na batang lalaki nang ito ay aksidenteng mahulog sa hukay na gawaan ng uling kamakalawa sa Brgy. Senior, San Pablo, Zamboanga del Sur.

Kinilala ang nasawing biktima sa palayaw lamang nitong Baby Boy, residente sa lugar.

Batay sa ulat, bago naitala ang insidente sa nasabing lugar dakong alas-10:00 ng umaga sa gawaan ng ulingan ay sinabi ng lola ng biktima na  naglalaro ang kaniyang apo habang abala naman sila sa mga gawain sa bakuran at hindi napansin na napagawi ang biktima sa ulingan.

Napuno ng tubig ang may 5 metrong lalim na hukay ng ulingan dahil sa mga pagbuhos ng ulan kung saan aksidenteng nahulog ang bata at nalunod.

Lumulutang na sa tubig ang katawan nang matagpuan ng ama na nagawa pang maisugod  sa ospital,subalit idineklarang dead on arrival.

ANG BABY BOY BATAY BIKTIMA BRGY KINILALA LUMULUTANG NALUNOD NAPUNO SAN PABLO ZAMBOANGA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with