Bangkay ng lalaking tadtad ng tattoo lumutang sa ilog Pasig

Ludy Bermudo (Pang-masa) - October 17, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang bik­tima ng salvage ang bangkay ng isang lalaki na lumulutang sa ilog Pasig na bahagi ng Muelle Del Banco St., Escolta, Binondo, Maynila.

Ayon sa Manila Police District-District Tactical Operations and Communications (DTOC) na natanggap nila ang tawag dakong  alas-9:15 ng umaga tungkol sa pagkakatagpo sa bangkay.

Inilarawan ng pulisya ang biktima na 35 hanggang 40 anyos, 5’3” ang taas, maikli ang buhok, katamtaman ang pangangatawan, maputi, tadtad ng tattoo ang katawan partikular sa dibdib na may “12 DE UNA URAGON”. “JR AAP” at “BOY SUMPAK” sa likod, “LITO FERIA” sa kanang bahagi ng torso, “TAN, RHEA, at tribal design” sa kanang braso, “JACKIELYN WISE 23” at “KULOT” sa kanang hita, spider web design sa kanang binti, walang sapin sa paa, nakasuot ng maong na shorts at puti na t-shirt.

Sa pagsusuri, nagtamo ng bala sa panga ang biktima na posibleng matapos barilin ay itinapon sa ilog.

ACIRC ANG AYON BINONDO ESCOLTA INILARAWAN MANILA POLICE DISTRICT-DISTRICT TACTICAL OPERATIONS AND COMMUNICATIONS MAYNILA MUELLE DEL BANCO ST. PASIG PINANINIWALAANG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with