VM Joy B inilarga ang 2nd AlkanSSSya Support Program

MANILA, Philippines – Muling inilarga ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang ikalawang AlkanSSSya Support Program sa pakikipagtulungan ng Social Security System (SSS) na unang inilunsad noong 2012.

Umabot sa 400 indibidwal na pawang mga emple­yado at mga kasapi ng community organizations, pedicab associations at tricycle associations sa Quezon City ang nakinabang sa programa.

Layunin ng programa  ay hikayatin ang lahat ng informal sector workers at iba pang indibidwal na walang buwanang sahod tulad ng mga miyembro ng asosasyon gaya ng TODA,market vendors at iba pa na makapagtabi ng kahit konting bahagi ng kanilang kita at makabayad ng kanilang SSS premiums upang mapabilang sa mga SSS members na nakakatanggap ng mga benepisyung tulad ng medical,maternal, partial–total disability, retirement pension, death, funeral grant at loan assistance.

Nasa 49 units ng alkansiya ang pinagawa sa SSS  na nai-donate ni Belmonte sa unang batch ng programang AlkanSSSya program sa QC.

Show comments