‘Senate 5’ huwag magsiraan

MANILA, Philippines – Limang senador ang maglalaban-laban sa dalawang pinakamataas na puwesto sa bansa sa 2016 at pinayuhan sila ni Senator Ralph Recto na huwag magsisiraan at pairalin at alalahanin ang pagkakaibigan.

Tinawag ni Recto ang limang kasamahanag senador na “Senate 5” na kinabibilangan nina Se­nators Grace Poe, Francis “Chiz” Escudero, Alan Peter Cayetano, Ferdinand “Bongbong” Marcos, at Antonio Trillanes IV.

Ipinaalala ni Recto na naging magkakasama ang lima sa iisang kuwarto at naging magkakatabi sa upuan at magkakasamag kumain sa Senate  lounge kaya dapat pairalin ang “civility” at huwag itapon ang pinagsamahan.

Tiyak na ang pagtakbo bilang pangulo ng bansa ni Poe samantalang inaasahang magla­laban-laban sa puwesto ng bise presidente sina Escudero, Cayetano, Trillanes, at Marcos bagaman at hindi pa nagdedeklara ang huli.

Show comments