^

Police Metro

Magtiyahin niratrat ng tandem

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sugatan ang negos­yanteng misis at pamangkin nito makaraang tambangan ng riding-in-tandem gunmen sa Barangay Bagong Pag-asa sa Quezon City kamakalawa.

Sa ulat ng Quezon City PNP, kinilala ang mga biktima na sina Carmencita Roxas, 65, may-ari ng Bayad Center at Nesgielyn Guevarra, 35, teller sa Bayad Center na kapwa nakatira sa Ofelia Village sa Barangay Bahay Toro sa nasabing lungsod.

Si Roxas ay nagtamo ng tama ng bala sa kaliwang dibdib habang si Guevarra naman ay nagtamo ng tama ng stray bullet sa may kaliwang paa.

Ayon kay PO2 Jaime de Jesus, naganap ang insidente sa kahabaan ng Road 1 malapit sa likurang bahagi ng mall sa North Edsa.

Lumilitaw na magkasama ang magtiyahin sa Mitsubishi Adventure (ZPA-110) patungo sa sangay ng bangko para magdeposito ng pera subalit hinarang sila ng tandem.

Gayon pa man, hindi pumayag na bumaba sa sasakyan si Roxas kaya pinutukan sila ng gunmen.

Naalarma naman ang gunmen dahil unti-unting lumalapit sa kanila ang taumbayan kaya napilitang tumakas kahit walang nakulimbat na malaking halaga.

Samantala, kahit sugatan ay nagawa pang makapagmaneho ni Ro­xas patungo sa parking ng mall saka nagtungo sa banko at idineposito ang malaking halaga, bago sila isinugod  sa Philippine General Hospital.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

BARANGAY BAGONG PAG

BARANGAY BAHAY TORO

BAYAD CENTER

CARMENCITA ROXAS

MITSUBISHI ADVENTURE

NESGIELYN GUEVARRA

NORTH EDSA

OFELIA VILLAGE

QUEZON CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with