Rapist ‘di umubra sa 63-anyos lola

MANILA, Philippines – Hindi umubra ang 30-anyos na lalaki na tangkang halayin ang isang 63-anyos na lo­la ng manlaban nang lakas loob na sipain sa ari ang una kamakalawa sa Brgy. Rizal, Sominot, Zamboanga del Sur.

Batay sa ulat, bago nangyari ang tangkang panghahalay bandang alas-7:30 ng gabi ay kasalukuyang nagha­handa ng mga pagkain ng alagang baboy, manok ang biktima na itinago sa pangalang Nidora nang kalampagin ng suspek na si Paul Candia Jr., ang kanyang pintuan.

Sinabi ng matanda sa suspek na gabi na at wala siyang kasama kaya hindi siya maaaring papasukin.

Subalit, pinagsisipa ng suspek ang plywood na pintuan ng bahay ng biktima na nawasak kaya nakapasok ito.

Nang makapasok ang suspek ay sinunggaban agad nito ang matanda na sinabing nais niyang makipag-sex at pilit nitong hinuhubaran ang nasabing lola.

Lakas loob namang nanlaban at sinipa ng lola ang ari ng suspek at humingi ng saklolo hanggang sa napadaan at nagpla-flashlight ang  manugang nito.

Pinagbabato ang bubungan ng bahay  ng biyenan bunsod upang tumalon sa bintana ang suspek at tumakas.

Show comments