Tinedyer tiklo sa P.7-M shabu

MANILA, Philippines – Inaresto ng mga otoridad ang isang 16-anyos na binatilyo ng Brgy. Pagkakaisa, Poblacion, Puerto Princesa City matapos na mahulihan ng 75 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P700,000.

Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr., ang suspek na hindi pinangalanan ay naaresto ng mga otoridad dahil sa dala nitong kahon na sinabi nitong grocery items subalit ito pala ay naglalaman ng shabu.

Nabatid na ginagamit ng sindikato ang suspek bilang drug courier.

Show comments