Eroplano umusok nag-emergency landing

MANILA, Philippines - Napilitang bumalik at nag-emergency landing kahapon sa paliparan ng Davao City ang isang erop­lano ng Philippine Airlines matapos na umusok ang eroplano.

Sinabi ni Supt. Antonio Rivera, spokesman ng Police Regional Office (PRO) 11, naganap ang insidente dakong ala-1:34 ng hapon na kalilipad lamang ng Philippine Air Lines (PAL) flight PR-1814 na kinalululanan ng 128 pasahero bukod pa sa mga crew ng eroplano nang mapansin ng mga piloto na may umuusok sa cargo compartment ng eroplano kaya napilitan itong mag-emergency landing.

Ang nasabing eroplano ay patungong Maynila ay nag-emergency landing sa lumang Davao International Airport bunga ng insidente. Patuloy ang masusing imbestigasyon sa kaso.

Show comments