Oil spill sa Rizal
MANILA, Philippines – Pinangangambahan na multi-milyong halaga ng pananim na palay at iba pang agrikultura ang posibleng masira matapos na tumagas kamakalawa ang banker fuel mula sa isang pabrika ng semento sa Morong, Rizal.
Sa ulat ng Morong Rizal Municipal Disaster Risk Reduction & Management Office (MRMDRRMO) dakong alas-12:05 ng madaling araw nitong Martes nangyari ang oil spill na dumaloy sa ilog ng Morong na nagmula sa pabrika ng Cemex Company na dating Island Cement na nasira dahil na rin sa malakas na pag-ulan.
Dumaloy sa bukirin sa Barangay Bubungan, San Jose, San Juan at San Guillermo at dadaan din sa ilog ng Morong, Antipolo at Teresa.
Bukod dito ay pinangangambahan din ng mga residente na malalason ang mga isda sa nabanggit na mga ilog.
Naglagay na ang mga Philippine Coast Guard ng oil spill boom para pigilan ang pagkalat ng
langis patungo sa Laguna Lake.
- Latest