Tandem nahulog sa Magallanes flyover

MANILA, Philippines - Idineklarang dead on arrival sa Pasay City General Hospital ang isang motorcycle rider habang nasa kritikal na kondisyon sa Ospital ng Makati ang angkas nito matapos mawalan ng kontrol sa sinasakyang motorsiklo at  tuluyang nalaglag sa Magallanes flyover sa Makati City kahapon.

Sa inisyal na ulat ng  Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Metro Base dakong ala-1:10 ng hapon nang maganap ang insidente sa Northbound lane ng Magallanes flyover sa Barangay Bangkal, Makati City.

Nabatid na binabagtas ng mga biktima ang EDSA Magallanes flyover nang  mawalan ng kontrol at bumangga sa gutter at tuluyang nalaglag ang dalawa sa naturang flyover.

Kaagad naman naisugod ng mga nagrespondeng MMDA rescue team ang mga biktima sa naturang mga ospital, subalit ang isa dito ay hindi na umabot ng buhay. Kapwa wala umanong nakuhang dokumento ng pagkakakilanlan sa dalawang biktima.

Kapwa nakasuot ng helmet ang dalawa na natanggal dahil sa pagkakahulog ng mga ito.

Show comments