2 bangkay nahukay

MANILA, Philippines - Matapos ang dalawang linggo nang pananalasa ng bagyong Ineng sa Northern Luzon ay nahukay kahapon ang dalawa pang bangkay na nalibing ng buhay sa landslide sa isang minahan sa Benguet.

Ang mga nahukay na bangkay ay ang mga nawawalang sina Rocky Mangubang, 19, isang minero  ng Dipaculao, Aurora at Paul Angel, residente ng Brgy.  Taneg, Manka­yan, Benguet.

Nahukay ito, dakong alas-10:20 ng umaga kahapon sa malabundok na putik sa Sitio Elizabeth, Brgy. Taneg, Mankayan.

Magugunita na ang dalawang biktima ay kasama sa 19 katao na nalibing sa landslide sa Brgy. Taneg, Mankayan, Benguet.

 

Show comments