Ginang natodas sa sex

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang inatake sa puso ang isang 45 anyos na ginang  matapos itong dumaing nang paninikip ng dibdib habang nakikipagtalik sa lalaking kaniyang ka-date sa loob ng isang lodging inn sa Bacolod City kamakalawa ng gabi.

 Kinilala ang biktima sa pamamagitan ng kaniyang voter’s ID na si Ma­rian Bal­tazar, 45, ng Legazpi City, Albay at nagtratrabaho sa isang videko bar sa Silay City, Negros Occidental.  Idineklarang dead-on-arri­val ang biktima sa Corazon Monte­libano Memorial Hospital.

 Samantala, inimbitahan naman ng Bacolod City Police ang ka-date ng biktima na nakilalang si Bill Mejica, 59, may asawa at naninirahan sa Brgy.1, Silay City.

Sa imbestigasyon, dakong alas-7:00 ng gabi ng magcheck-in sa Room 37 ng Adam’s Lodge sa Brgy. Bata, Bacolod City ang dalawa.

Gayunman, bandang alas-9:00 ng gabi ay hu­mingi ng tulong sa mga staff ng nasabing lodging inn si Mejica matapos umano’y tinamaan ng ma­tinding ubo, paninikip ng dibdib at nagsuka pa ang biktima.

Ang biktima ay parang hinihika umano hanggang sa mawalan ng malay  kaya nag-buzzer ang nasabing lalaki sa pangasiwaan ng nasabing lodging inn.

Agad namang isinugod sa pagamutan ang biktima  na pinaniniwalaang inatake sa puso.

Nakatakda namang isailalim sa otopsiya ang bangkay ng nasabing babae upang alamin kung ano ang sanhi ng pagkamatay nito at patuloy rin ang imbestigasyon sa lalaking katalik nito.

Show comments