2 sundalo utas sa ambush

MANILA, Philippines - Nasawi ang dalawang sundalo nang tambangan ng hinihinalang hit squad ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA)  sa San Fernando, Bukidnon kamakalawa.

Nasawi noon din dahil sa mga tama ng bala sina Pfc Edward Villar at  isang tinukoy lamang sa apelyidong Pfc Clarito; pawang miyembro  ng Army’s 68th Infantry Battalion (IB).

Sa ulat,bandang alas-2:00 ng hapon sa kahabaan  ng  Sitio Balakayo, Kalagangan, San Fernando,Bukidnon nagsasagawa ng security operation ang mga biktima nang bigla na lamang silang pagbabarilin ng mga rebelde.

Nakaligtas sa insidente ang dalawa nilang kasamahan na agad nakapagkubli habang nagpapaulan ng putok ang mga umaatakeng komunistang grupo.

Show comments