2 misis pinatay ng kanilang adik na mister

MANILA, Philippines – Nasawi ang dalawang misis nang sila ay patayin ng kanilang mga mister sa magkahiwalay na insidente sa Iloilo at Negros Occidental.

Halos mabasag ang bungo at idineklarang dead-on-arrival ang biktimang si Leslie Jalandoni, 29 nang martilyuhin ng kanyang adik na mister na si Ronelo, 34 at pagkatapos ay hinostage ang dalawa nilang anak na may edad 6 at 10 sa loob ng kanilang bahay sa Carles, Iloilo kamakalawa.

Batay sa ulat, pasado ala-1:00 ng mada­ling araw nang i-hostage ng suspek ang kanyang mag-iina dahil sa may naririnig itong bulong na gawin niya ito sa kanyang mag-iina at inu­utusan siya na patayin ang misis.

Kaya’t kumuha ng martilyo ang suspek at walang habas na pinagpapalo sa ulo ang misis na halos mabasag ang bungo.

Pinagsasaksak naman ng suspek na si Ed Agustin Ortilla ang kanyang mag-iina dahil lang sa matinding selos kamakalawa sa Brgy. Rizal, Silay City, Negros Occidental.

Ang mag-ina na nasawi ay kinilalang sina Sakura Hanna Jimenea, 20-anyos at 9 buwan nitong sanggol na lalaki.

Sa imbestigasyon, naitala ang krimen sa loob ng bahay dakong alas-6:45 ng umaga at inamin na tatlong araw na siyang hindi natutulog matapos humitit ng shabu at umano’y sa sobrang lango sa  droga ay pinagsasaksak ang ginang maging ang karga nitong sanggol na anak.

Show comments