Mag-utol na Indian national dinedbol

MANILA, Philippines - Sa harap ng kanilang nanay pinagbabaril ang isang magkapatid na Indian national habang sila ay kumakain sa isang canteen kamakalawa ng gabi sa Dagupan City, Pangasinan.

Kinilala ni Supt. Christopher Abrahano, hepe ng Dagupan City Police ang magkapatid na nasawi na sina Sanjey at Rajesh Khatri; pawang residente ng Brgy. Bued, Calasiao ng lalawigan.

Namatay noon din si Sanjey habang si Rajesh ay binawian naman ng buhay  habang ginagamot sa Nazareth Hospital.

Batay sa ulat, dakong alas-9:00 ng gabi ay kumakain ang magkapatid kasama ang kanilang ina sa canteen na pag-aari ng isa rin nilang kapatid sa Malued District ng lungsod na ito nang sumulpot sa isang riding-in-tandem na may maskara at bumaba ang angkas at binaril si Sanjey, nagtangkang tumulong Rajesh kaya binaril din ito ng mga suspek.

Dalawang anggulo ang sinisilip na motibo sa krimen, una ay may kinalaman sa  negosyong 5-6  o personal na alitan.

 

Show comments