Taxi driver na holdaper, arestado

MANILA, Philippines – Nadakip ng mga otoridad ang isang taxi driver matapos na holdapin nito ang pasahero niyang mag-asawa kahapon ng umaga sa Makati City.

Ang suspek ay kinilalang si Rogelio Valencia, may sapat na gulang.

Batay sa reklamo ng mag-asawang biktima na sina Edgardo at Godeliva Siton na dakong alas-4:10 ng madaling araw ay sumakay sila sa taxi ng suspek na Inah Taxi (UWB-711) mula sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Pasay City at magpapahatid sa Sampaloc.

Habang na sa biyahe ay kinontrata sila ng suspek  na magdagdag ang mga ito ng bayad kada kilometro na pinalagan ng mag-asawa.

Pagsapit sa kahabaan ng Arellano St., Barangay Palanan, Makati City ay nagbunot ng patalim si Valencia at nagdeklara ng holdap.

Napansin ng mga bystander na nagkaroon ng komos­yon kaya’t  kaagad na ipinagbigay alam sa barangay na  pagkakaaresto kay Valencia na sinampahan ng robbery hold up.

Show comments