Trader binaril sa mukha

MANILA, Philippines – Namatay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang isang 31-an­yos na negosyante nang barilin ito sa mukha ng isang hindi pa kilalang suspek habang nagla­lakad patungo sa kaniyang nakaparadang sasakyan sa panulukan ng Carriedo at Bustos Sts. Sta. Cruz, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Ang nasawi ay kinila­lang si Fritz Linjohn Chu, residente ng Block 5, Lot 7, Garden City, Sucat, Parañaque City.

Batay sa ulat, pagitan ng alas 7:00 at 7:30 ng sa Carriedo St., ay pauwi na ang biktima at naglakad  ito patu­ngo sa kaniyang Toyota Vios (NIY-781) na nakaparada sa ibaba ng LRT Carriedo Station nang big­lang  sumulpot sa kaniyang  likuran ang gunman at binaril ito sa mukha.

Sa pagsisiyasat ng pulisya na bago ang krimen ay may nakagalit ang biktima na kustomer noong nakalipas na linggo at nagwika ito na ka­yang-kaya niyang patayin ang biktima.

Bukod dito may nakaalitan din itong parking boy malapit sa tindahan nito na Chu Tech Solution sa ground floor ng Parkson Square, Rizal Avenue may 2 o 3 linggo na ang nakakalipas.

Show comments